Take Action Publications Press Room About Public Citizen Public Citizen Divisions Home
Promoting a sustainable energy future

JOIN US! |Take Action | Publications | About Energy Program | Contact Us
Search

For Keyword(s)
advanced search

Email Signup

Sign up for our free activist updates.

Printer friendly pageEmail to a friend

Asya

Isang malaking irradiation company mula sa Estados Unidos [US] ang sa ngayo'y aktibong nakikipagnegosasyon sa tatlong bansa sa Timog Silangang Asya [South East Asia] para sa pagpapatayo ng irradiation facilities. Ang kumpanyang ito ay Surebeam at sila ay nakikipagnegosasyon sa Thailand, Vietnam at Pilipinas.

Ang paggamit ng irradiation sa Timog Silangang Asya ay direktang magpapalaki sa kalakal, lalo na nang mga eksotikong prutas at isda, na may mataas na presyo sa pamilihan ng malalaking bansa gaya ng US. Sa kabilang banda, ilalagay naman nito sa peligro ang kapaligiran dahil sa pagdami ng fish farms at mga komerysal na produkyong pang eksport gaya ng mangga, ang seguridad sa pagkain ng bansa at ang kabuhayan ng milyon-milyong maliit na magsasaka at mangingisda.

Kamakailan lamang, pinahihintulutan na nang Animal and Plant Inspection Service (APHIS) ng Kagawaran ng Agrikultura ng US [USDA] ang paggamit ng irradiation sa halip na kemikal o iba pang karaniwanang ginagamit sa pagpatay ng peste sa prutas o gulay. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Amerika, ang mga produktong dumaan sa irradiation ay pinapayagan na at ang pag-eksport ng mga ito sa US ay lalo namang hinihimok pa.

Ang tanging makikinabang sa desisyon na ito ng APHIS ay mga malalaking agribusiness corporations, food processors at exporters at lalo lamang magbabaon sa mga maliit na magsasaka. Ang mga maliit na magsasaka at mamalakaya ng Timog Silangang Asya ay hindi kayang makipaglaban sa mas murang produkto ng mga malalaking korporasyon na kundi magbabaon sa kanila sa lalong kahirapan ay ito na ang magtutulak sa kanila upang tuluyan nang lisanin ang pagsasaka at pangigisda. Sa kalaunan, mas dadami ang mga produktong dadaan sa irradiation dahil sa potensyal na kita nito at dahil tanging ang mga malalaking korporasyon lamang ang may kakayahan at pinansya na gumamit ng teknolohiyang ito, malinaw kung sino ang tunay na makikinabang sa food irradiation. Ang mga dating tinatamnan para sa pagkain ay manganganib na rin dahil sa pagpapalit nito sa mga komersyal na produkto gaya ng mangga.

Ang sumusunod ay ilang kaganapan sa nasabing tatlong bansa sa Timog Silangang Asya:

Thailand:   Ang Thailand ay may apat na irradiation facilities, tatlo rito ang gumagamit ng radioactive isotope, Co-60.  Dalawang irradiation facility ang nasa Leam Chabang at ang natitirang dalawa ay nasa Amphur Klong Luang at Amphur Muang. Kamakailan, inanunsyo ng Surebeam ang kasunduan nito sa Thai Electron Pasteurized Company, Ltd. sa pagpapatayo ng isang "state-of-the-art" facility na malapit sa Bangkok.  Ang pasilidad na ito ay magpoproseso ng mahigit 100 milyong kilo ng prutas, bulaklak at gulay.

Sa kasalukuyan, inaprubahan na sa Thailand ang 23 uri ng pagkain, kasama na rito ang mga tinaguriang exotic fruits, na dumaan sa irradiation. Hanggang kamakailan lamang, ang eksportasyon ng prutas sa US ay kinakailangang dumaan sa kemikal at iba pang mahigpit na proseso na ang US rin ang siyang nagtatakda. Ngayong pinayagan na nang APHIS ang paggamit ng irradiation, tiyak ang paglaki ng eksport nang mga prutas na dati-rati'y hindi pumapasa sa mahigpit na kontrol ng US, dahil na rin sa mga panganib sa kalusugan at sa mga posibleng pagkontamina nang kanilang agrikultura at kapaligiran.

Vietnam: Sa Vietnam, ang Surebeam din ang kasalukuyang nagtatayo ng irradiation facility. Ito ay sa pamamagitan ng paglaan nito nang mga kagamitan at teknolohiya sa isang bagong cold storage facility na siya namang itinatayo ng Son Son Company sa lungsod ng An Loc, na malapit sa Ho Chi Minh. Ang Son Son ay isang pribadong food processing company na pagaari ni G. Tram Be.

Pinahihintulutan ng Vietnam ang paggamit ng irradiation sa 8 uri ng pagkain, tampok na rito ang isda/sugpo. Ang pamilihan ng isda sa Vietnam ay umaabot ng halos 2 bilyong kilo taun-taon. Sinasabi na ang paggamit ng irradiation sa Vietnam ay magbibigay daan sa pagkalakal nito sa ibang bansa dahil pinahahaba ng irradiation ang pagiging sariwa ng isda, lalo na nang sugpo na isa sa pangunahing iniluluwas na isda ng Vietnam. Totoong bubuhayin ng irradiation ang ekonomyang pag-eksport [gaya ng sugpuan] ngunit ang mga malalaking korporasyon lamang ang tanging makikinabang rito dahil sila lang ang may kakayahan sa ganitong uri ng negosyo [shrimp farming]. Kapalit nito ay ang lalong pagkasira ng kalikasan [destructive large-scale shrimp farming] at dislokasyon ng mga lokal na komunidad na umaasa rin sa pagsusugpo, ngunit sa mas maliit at di mapanirang pamamaraan.

Philippines: Mula pa noong nakaraang taon, nakikipagnegosasyon na ang Surebeam sa dalawang lokal na agribusiness companies para sa pagpapatayo ng irradiation facility na magkakahalaga nang di bababa sa $ 5 milyong dolyar. Nakipag-usap na rin ang Surebeam sa Mayor ng Cebu, na si Tomas Osmena.

Gaya ng Thailand at Vietnam, tanging ang mga malalaking negosyante lamang ang makikinabang sa irradiation dahil sila lamang ang may kakayahan at may pinanya na gumamit ng ganitong teknolohiya. Sa ating bansa, hindi malayong isipin na ang mga korporasyong gaya ng Dole, Del Monte at iba pang malalaking agribusiness corporations ang mga pangunahing makikinabang rito.

[tingnan ang kalakip na mga dokumento ukol sa epekto nito sa Pilipinas]

 



more resources

»
»
News
Statements
 

    » cmep | foodsafety | international | asia


Because Public Citizen does not accept funds from corporations, professional associations or government agencies, we can remain independent and follow the truth wherever it may lead. But that means we depend on the generosity of concerned citizens like you for the resources to fight on behalf of the public interest. If you would like to help us in our fight, click here.


Join | Contact PC | Contribute | Site Map | Careers/Internships| Privacy Statement