Take Action Publications Press Room About Public Citizen Public Citizen Divisions Home
Promoting a sustainable energy future

JOIN US! |Take Action | Publications | About Energy Program | Contact Us
Search

For Keyword(s)
advanced search

Email Signup

Sign up for our free activist updates.

Printer friendly pageEmail to a friend

Pilipinas: Ang Susunod na Puntirya ng Irradiation

Ang food irradiation ay mula sa industriya ng   teknolohiyang nukleyar. Ito ay isang proseso kung saan ang pagkain ay hinahayaang mabilad sa mataas na dosis ng radiation na kahalintulad ng isang bilyong x-rays ng dibdib. Ang radiation ay mula sa radio active cobalt-60, cesium 137, electron beams at x-ray.  Sa prosesong ito, napapatagal ang pagkahinog ng prutas, napipigilan ang mabilis na pag-gulang ng gulay, napapatay ang mga insekto, bakterya at iba pang mikrobyo na sanhi ng sakit at pagkasira ng pagkain; ngunit sinisira din nito ang mga bitamina at sa proseso ay magbubunga pa ito ng mga potensyal na mapanganib na kemikal.

Ang food irradiation ay isa na namang daan ng globalisasyon at harmonisasyon, isang instrumento upang mas maging malawak ang kontrol ng malalaking korporasyon sa ating pagkain at agrikultura. Sa kasalukuyan, may pagtutulak na lawakan pa ang gamit ng irradiation sa pagkain. Kapalit nito ay ang hatid na panganib sa lahat: mga magsasaka, mangingisda, mamimili at sa ating kalusugan at kalikasan. Kung maraming bansa ang tatanggap ng food irradiation lalo ntong palalakikin ang kontrol ng mga malalaking dayuhan korporasyon sa maliit na bansa [global South] - gaya nang Pilipinas na mahina ang regulasyon sa pangangalaga ng kalusugan at kalikasan, at lalo na ang interes ng sarili nitong mamamayan.

Ang Pilipinas ang susunod na puntirya ng industriya ng Irradiation.

US: Pinapalaganap ang Isang mapanganib na Teknolohiya

Kamakailan lamang, ang Animal at Plant Inspection Services (APHIS) ng Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos [US] ay nagdesisyon na ang irradiation, sa halip na kemikal, ay maaring gamitin upang pumatay ng peste. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pangangalaga ng pagkain sa Amerika, ang pagamit ng irradiation ay pinahihintulutan na at sa totoo lang ay hinihimok pa ang ibang bansa para sa pagluwas [export] nito sa US.

Ang polisiyang ito ay pangunahing magbibigay benepisyo sa mga malalaking producers, processors at exporters at lalong magbabaon sa mga maliliit na magsasaka samga bansang gaya ng Pilipnas.

Sa isang banda, ang pagtutulak ng produksyon para sa irradiation ay yaong mga produktong pang-eksport na ilalagay sa lalong panganib ang segurida sa pagkain ng bansa at lalong pagbangkarote ng maliit na magsasaka. Ito ay dahil sa karanasan ng bansa sa produksyong pang-eksport. Ito ay nangangailangan ng malalaking lupain at makabagong teknolohiya na lalong papatay sa kabuhayan ng maliit na magsasaka dahil tanging ang mga malalaking korporasyon lamang ang may kakayahan nito. Sa isang banda, kung dito naman ang pagkunsumo ng mga pagkaing dumaan sa proseso ng irradiation – ilalagay nito sa panganib ang kalusugan ng mamayan. Wala pang matibay na ebidensya kung malinis at ligtas ang mamamayan sa irradiation. Bagkus, ang mga pag-aaral at pagsasaliksik ay pawang nagsasabi sa napakalaking panganib nito sa kalusugan at kalikasan.

Malapit na sa Pilipinas

Kamakailan lamang ay aktibo ang Surebeam, isang malaking kumpanya sa US, sa pakikipagnegosasyon sa Pilipinas upang magtayo ng irradiation facility na nagkakahalaga sa pinakamaliit ay US $5 milyon. Ang target na lugar ay malapit sa Manila o Cebu [pati rin Davao sa huling balita]. Ang Surebeam ay nakipag-usap na sa punong bayan ng Cebu, Mayor Tomas Osmeña tungkol dito. Mayroon ding pag-uusap sa pagityan nina   Mayor Ramon “Nito” Durano III ng Danao City at John Fornoles, ang regional manager ng Global Frontier Group tungkol sa pagpapatayo ng irradiation facility.  Ang pinansya para sa proyekto ay magmumula raw sa US Export-Import Bank. 

Gaya ng inaasahan, agad ang pagsang-ayong ng ilang ahesnya ng Pamahalaan gaya ng Bureau of Plant Industry [BPI] at nang Department of Agriculture [DA] gayong wala   pa mang mga public hearings at consultations, pagpapalabas ng impormasyon o mga pagsasaliksik ang naisagawa ng mga ahensyang ito.

Sa kasalukuyan, ang Isla ng Guimaras pa lamang ang nakakaeksport ng mangga sa US, matapos ang 15 taong pagtalima sa “regulasyon’ ng US. Maliit ang produksyon ng mangga sa Guimaras at hindi sapat   ang suplay nito sa US sa buong taon kaya’t tinatarget pa nito ang ibang lugar ng bansa – sa pamamagitan ng irradiation..

Pandaigdigang Kalakalan

Habang patuloy ng World Trade Organization sa pagpapalawak ng kontrol nito sa iba pang aspeto ng agrikultura, lalo ring lalaki ang pangingibabaw ng mga mayayamang bansa - US, Japan, European Union at Canada. Ang mga maliit na bansa ay magkakasya na lamang sa pakikipag-unahan sa pagtanggap ng konsesyon at mumo mula sa malalaking bansang ito.

Malinaw ang ganitong tunguhin sa mga paghahambing ng pag-eksport ng mangga sa US ng Pilipinas at Mexico. Ang Pilipinas ay pumapangalawa sa Mexico kung saan 41% ang bahagi nito sa pag-eksport ng mangga sa US.

Ang ganitong uri ng kompetisyon ay hinahayaan ng malalaking bansa para mas lalo pang mabarat at mapagsamantalahan ang mga nagtutunggaling maliliit na bansa. Sa usapin ng food irradiation, malinaw rin ang magiging tunguhin – kailangan ang paggamit ng ganitong teknolohiya sa pagtanggap nang nasabing eksport. Ang hindi pagsang-ayon ay ang pagsasara ng merkado ng US sa mga kalakal na maggagaling sa bansang hindi tatalima sa patakarang ito.

Sa lahat ng ito, tiyak ang milyong milyong dolyar na kita ng mga korporasyon tulad ng SUREBEAM.

Ang teknolohiyang katulad ng food irradiation ay magtutulak sa lalong konsolidasyon ng agrikultura sa kamay ng iilang dambuhalang korporasyon. Ang food irradiation sa madaling salita ay para sa lalong pagkamal at pagpapalaki ng kita ng mga dambuhalang korporasyong ito.

Kung sakaling tataas ang eksport sa mangga bunga ng irradiation, hindi naman ang maliit na magsasaka o mga manggagawang bukid ang makikinabang kundi ang mga malalaking korporsayon katulad ng Surebeam, o mga korporasyong gaya ng Dole at Del Monte. Sa kalaunan ay mapipilitan pang magbenta ng lupa ang mga maliit na magsasaka bunga ng mataas nitong gastos sa produksyon na hindi kayang tumapat sa baratang presyo nang malalaking korporasyon. Ang dating mga magsasakang may maliit na lupain ay makikisaka na lamang. Ito ba ang magandang bukas na idudulot ng irradiation sa bansa?

Irradiated Food: Masama sa Kalusugan

May mga bagong kemikal mula sa pagkain na nabubuo kapag dumaan sa proseso ng irradiation at ang mga kemikal na ito ay maarnig maging sanhi ng kanser at pagkakaroon ng   depekto sa panganganak. Sinisira rin ng irradiation ang mga bitamina at mahahalagang nutrisyon na taglay ng pagkain. Maraming suliranin sa kalusugan ang naobserbahan sa mga hayop na pinakain ng irradiated foods tulad ng maagang pagkamatay, stillbirths, mutations, fatal internal bleeding, organ damage, immune system dysfunction, hindi paglaki at kakulangan sa nutrisyon. May bagong pagsasaliksik sa European Union na nagsasabing nangangailangan pa ng masususing pag-aaral sa kabuuang benepisyo ng food irradiation. Ayon sa pagsasalikisk na ito, may kaugnayan ang food irradiation sa pagkakaroon ng mga tumor.

Mga kagimbal-gimbal na Aksidente Sanhi ng Irradiation

Mula pa noong 1960’s, maraming mga aksidente at kamalian ang naiulat at naitala mula sa mga irradiation facility sa buong daigdig. Kabilang dito ang pag flush ng radioactive na tubig sa mga palikuran; pagtapon ng radioactive waste sa mga basurahan; mga radiation leaks; mga sunog sa mga kagamitan sa radiation at; mga makinaryang hindi tumatakbo ng mahusay. Maraming manggagawa ang naputulan ng daliri, kamay, hita at sa ibang kaso ay namatay. May mga nakasuhan na rin sa mga pangyayaring ito. Sa isang kaso, ito ay nagbunga ng sintensiya sa kulunagn [federal prison].

Base sa mga pananaliksik at pag-aaral ng United States Environmental Protection Agency, ang lahat ng uri ng ionizing radiation, pati ang cobalt-60 at cesium-137 ay nakaka kanser. Ang pagkabilad sa gamma radiation – cobalt 60 at cesium 137 ay nakakadagdag din pa sa pagkakaroon ng kanser. Ang matagal na pagkabilad ay mas lalong mapanganib dahil sa pagbuga ng gamma rays. Ang panganib sa kalusugan ay depende sa tagal nang pagkakabilad, dami ng radioactive   isotopes at kung ito ay nasinghot [inhaled] o na-ingest ng mga manggagawang nagtatrabaho sa irradiation facility.



more resources

»
»
»
Comments
Fact Sheets
News
 

    » cmep | foodsafety | international


Because Public Citizen does not accept funds from corporations, professional associations or government agencies, we can remain independent and follow the truth wherever it may lead. But that means we depend on the generosity of concerned citizens like you for the resources to fight on behalf of the public interest. If you would like to help us in our fight, click here.


Join | Contact PC | Contribute | Site Map | Careers/Internships| Privacy Statement